A Travellerspoint blog

crazy-funny-weird

..life..

all seasons in one day

..just thought of blogging these crazy things i've experienced..

after higschool, sa manila na ako kagad nag stay. siguro mga 6 na akong lipat ng dorm-apartment-condo-room. sa 8 years kong palipat lipat, lahat na ng klaseng roomate, nakasalimuho ko na

1. si heaven. heaven is not her real name. ako lang nagpangalan nun sa kanya. she's pretty. pang model ang katawan. nag momodel modelan din minsan. the reason i call her heaven? parang lagi gusto ipakita ang langit nya. kakain lang ng balot kailangan naka bukaka pa.tatagay lang sa inuman, kailangan kita heaven nya. i dont know if she's aware na naka bukaka na sya pero madalas kasi yung pagpapakita nya ng heaven.lalabas ng bahay na walang bra. gimickera si heaven. ang alam ko nag work din sya may quezon ave, sa isang bar dun. basta isa sa mga bars kahalera ng Pegasus. hindi namin matanong kung ano work nya dun. basta hindi daw Dancer. pero wag ka, pag gumiling si heaven sa mga gimik namin, mag dududa ka. mabait nman sya. may pagka maldita nga lang.

2. nagkaron din ako ng roomate na law student. ang tawag ko naman sa kanya, "tipaklong".

in fairness, ang sipag ni tipaklong. uuwi ng 10 pm, kakain. 11pm maglalaba. 12 am to 3 am magbabasa. 3 am to 5 am matutulog. gigsing ng 6am para pumasok. professor si tipaklong sa isang university. matalino sya? oo. kaso parang may saltik na, isang beses siguro sa pagod, nakatulog kagad, pag gising namin ng mga iba kong roomates, na shock kameng lahat. si tipaklong, hubo't hubad habang naghihilik. yung band-aid na nasa paa nya nung gabi before mtulog, nasa noo na nya. no kidding. ganun sya ka weird. everyday ganun routine nya.. and the reason why i call her tipaklong? one time isinukat nya yung reading glasses ko. pag kasukat, humarap sa salamin,pag kita sa sarili- sya mismo na shock sa itsura nya sabay sabing - leche! muka akong tipaklong.

3. tumira ako sa isang dorm sa gastambide nung 4th year college na ako. ok naman yung dorm. sa 4th floor kame. malinis, malaki yung rooms, tahimik. pero one time nawala ang katahikan sa buong dorm. may "sapi"-an na palang nagyayari sa baba. totoo. sapi. yung tipong sa movie mo lang makikita. at hindi ka maniniwala na may ganun pala sa totoong buhay. nasaksihan ko mismo sya. at dun lang ako natakot ng ganun. before yung sapi, nag swimming sa bulacan yung girl na sinasapian with her friends sa bulacan. nung bumalik na sila sa manila, sinundan sila nung multo with his family. bakit daw? sabi nung multo while nasa katawan sya nung girl: "hindi nman ako magagalit kung hindi nila kame ginulo. nkikita sila nung mga anak ko na naghahalikan sila. at hindi manlang kame inaalok ng mga dala nilang pagkain. " wala silang galang" mga bastos at maiingay pa. weird diba? who would have thought may ganun pala talaga. habang sinasapian pa sya at dinadasalan ng mga boy sa dorm namin, talo nung petite na girl yung mga lalake. kulang nlang makipag buno sya sa mga boy samin. ang lesson, wag maghahalikan kung saan saan at mag aalok dapat ng food. =) kinaumagahan parang palengke ng prutas at gulay yung baba ng dorm. ang daming food na naka offer sa mga sulok. yung girl hindi na nakapag aral. dinala na yata nung family nya sa ibang bansa. ang sabi pa, pati dun daw sa bahay nila e sinusundan yung girl.

4. naexperience ko din yung may nagpakita sakin ng **** nya. i and my friend were in a jeepney going to SM manila. yung guy sa harap ko nakatingin sakin. kakaiba itsura nya. nagtataka pa ako bkit ang luwang ng shorts nya. pag tingin ko sa may bandang bewang nya, kakaloka, naka display ang **** nya. nag taka pa ako nung una. itatanong ko pa sana sa kasama ko na- girl: ano yun? bkit ang kintab. aba malay ko ba. inosente ako e. yun na pala yun! kaloka. grabeng kahihiyan yun nung time na yun. kakaloka. pagbaba nmin sa jeep na yun, hindi kame kagad pumasok sa SM. naghintay muna kame na mawala yun lalake. kapag nga naman minalas ka, for sure, may kasunod yun. habang hinihintay nmin umalis si manong exhibitionist, hindi nmin namalayan, may katabi na pala kameng kalesa. and after ilang minutes, biglang parang may nag bukas na gripo sa tabi nmin, yung paa nung kasama ko, basang basa na. nyahahahaha. umiihi na yung kabayo sa paa nya. nagtatakbo kame pareho. habang sya minumura nya yung driver nung kalesa, ako, mamatay matay sa kakatawa. talagang kulang nalang umiyak sya sa galit at ako nman kulang nlang himatayin sa kakatawa.

5. may naging roomate din ako na sobrang pakialamera.lets call her "long-nose" kapag naiwan mo ang mga gamit mo after mo maligo, gagamitin nya lahat yung nang walang pakundangan. shampoo, sabon, fem wash, pang shave. lahat! papakialaman din nya yung mga gamit mo sa kwarto, diaries, notebooks, damit. at kung ano man mkikita nya, ikekwento nya sa ibang tao, feeling ko nga ngayon, kilang kilala ako ng mga kaibigan nya kahit hindi ko sila kilala. yun lang, hindi ko alam kung totoo pa ba mga kwento nya e. bukod kasi sa pakialamera sya, sinungaling sya. kpag nakatalikod ako, kung ano ano ano sinasabi nya. kpag nakatalikod nman yung iba, kung ano ano sinasabi sakin. one time,,, nag overnight yung bf ni heaven sa bahay. (si heaven yung nasa #1 ko.) kinaumagahan, ginising ako ni "long-nose" sabay abot ng isang tissue na gamit na. hindi ko pa naididilat masyado ang mata ko sa antok. nagulat ako sa iniaabot nya. malay ko ba kung ano yun, isang tissue na mukang gamit na? pag abot sakin, di ko kinuha, ang sabi banaman sakin- amuyin mo girl! sabi ko ha? bakit ko aamuyin? sabi nya: amuyin mo dali! galing yan sa basurahan nyo. nag jer nga sila heaven kagabi! sabi ko... My God! ang aga aga sinisira mo ang timpla ng tyan ko! sabi ko "basurahan hinahalukay mo para lang mapatunayan na nag jer nga sila?". kinaumagahan, nagkausap kame ni heaven, ganun din pala gawain nya pag nakatalikod ako,. kung ano ano ginagawa makapanira lang. after ilang days, iniwan nmin sya. hindi na kame nag explain at humingi ng explantion nya kung bakit sya ganun. weird no? san kapa makakita na ang basura e inaanoy para lang masira nya ang ibang tao.????????

mas madami pang mas weird na nagyari sa 8 years kong wala sa bahay, sa cavite. and i can say nothing feels like home talga. mas ginugusto ko padin ang amoy ng bed ko, ang lamig ng hangin ng tagaytay, ang tambay tamad ko sa bahay ng mga friends ko. kung malaki lang ba ang kikitain ko sa cavite e di sana dun nlang ako nag wowork. kasi dun baka mas peaceful ang lahat. wala ako ng iniisip na kagaya ni "long-nose". ang dami banamang "long-nose" sa makati. peace =)

Posted by c.pinas 08:12 Archived in Philippines Tagged round_the_world

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

hmmm... sounds familiar ung iba.. :))
mas enjoi pag inperson mo kinukwento,hehe plus the giggle anf laf trips! hmfs! tseeeee!! miss you djos! :D

by unicaizy

..tse. bina bara mo ako sa fb. i hate you na.... dalaw ka dito ! dali!

by c.pinas

Comments on this blog entry are now closed to non-Travellerspoint members. You can still leave a comment if you are a member of Travellerspoint.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint